frchito

TUMALIKOD, UPANG TUMALIMA!

In Catholic Homily, Homily in Tagalog, Lingguhang Pagninilay sa Ebanghelyo, Tagalog Sunday Reflections, Taon A on Setyembre 17, 2011 at 21:34

Ika-25 Linggo ng Taon (A)
Setyembre 18, 2011

Mga Pagbasa: Is 55:6-9 / Filipos 1:20-24.27 / Mt 20:1-16

Busog na busog ang aking mga mata at puso sa sari-saring alaala sa nakaraang dalawang Linggong paglalakbay. Tinahak naming magkakapatid ang mga lugar kung saan sa mga dantaong nakalipas ay namayani ang pananampalataya at kulturang Kristiano … Sa Paris, Francia, na tinaguriang “primogenita ecclesiae,” (first-born daughter of the Church), sa Chartres, sa Lyons, sa Nice, sa Barcelona, Roma, atbp.
Hindi kailang ang mga lugar na ito ay dati-rating mga tapat sa Inang Simbahan, kung saan ang pananampalataya ay siyang umugit sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.
Masakit man aminin, marami sa kanila ay tumalikood na sa daang matuwid, at malayo na ang puso sa pananampalataya.
Hindi malayong mangyari din ito sa ating lipunan. Ngayon pa man, may mga palatandaan nang ang kultura ay humuhulagpos na sa pananampalataya. Ang kulturang pabor sa RH bill ay isa sa mga pantandaang ito, at marami pang iba.
Nais kong isipin na ang unang pagbasa ay isang paala-ala sa ating lahat. “Hanapin ang Diyos habang may panahon pa; tawagan Siya yayamang Siya ay malapit sa atin.” “Tumalikod ang mga tampalasan sa nakagawiang daan, at ang mga palalo sa Kanyang mga balakin at isipin.”
Tumalikod ang mga bansa na dati ay tapat sa pananampalataya. Sa araw na ito, itinagubilin ni Isaias na tayo man ay dapat tumalikod, upang tumalima. Ito ang pagbabalik-loob ayon sa Banal na Kasulatan, ang pagtalikod sa kasalanan, at pagharap sa pananagutan.
Marahil ay ito ang isa sa mga natatagong aral sa ebanghelyo sa araw na ito. Maraming naghihintay upang maka trabaho. Hindi lahat ay nagsimula sa parehong oras sa umaga. Ngunit ayon sa talinghaga, lahat ay binayaran ng nararapat, pati ang mga nagsimula sa mga huling oras na ng hapon.
Ang mahalaga, samakatuwid, ay hindi lamang ang pagtalikod. Ang mahalaga ay ang kasunod at dahilan ng pagtalikod – ang pagharap at pagtalima sa Diyos.
Ang mga naghintay upang makapagtrabaho ay maaari nating makita bilang larawan ng mga taong handing tumalima, handing maglingkod sa anu mang paraan, sa kailanmang pagkakataon, maaga man o mahuli.
Ang may ari ng lupain na tumanggap sa lahat, at naglingkod ay puede natin makita bilang larawan ng Diyos, at ng Kanyang namamaulong pagnanasa na tanggapin ang lahat, at bigyan ng pagkakataon ang lahat. Larawan ito ng dakilang kabukasang-palad (generosity) ng Diyos, at dakilang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng tao.
Kumpara sa mga tao sa lumang mundo sa Europa, mga bagong salta tayo sa Simbahan at pananampalataya. Nguni’t hindi ito hadlang upang tayo ay makapaglingkod sa Diyos.
Iisa lamang ang kondisyon — Iisa lamang ang dapat nating gawin. At ito ang binigyang-diin ni Isaias – ang tumalikod sa dating gawi, at ang tumalima sa Diyos, at humarap sa pananagutan!

Opera Salesiana Testaccio
Via N. Zabaglia, 2
Roma 00139 Italia
Il 17 settembre 2011

Advertisement
  1. Kailangan ko po ng personal na reflection sa Lukas 9:51-56 (Ayaw Tanggapin si Hesus sa Isang Nayong Samaritano) ito po ay gagawin kong batayan ng aking gagawing pagninilay na ibabahagi ko po sa aming prayer group. Matutulungan po ba ninyo ako. Ito po ay Gospel para sa Sept. 27, 2011. Salamat po.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: