MARIA, INA NG DIYOS, IPANALANGIN MO KAMI!
Posts Tagged ‘Maria Ina ng Diyos’
MARIA, INA NG DIYOS
In Panahon ng Pasko, Tagalog Sunday Reflections, Taon A on Disyembre 29, 2016 at 11:30LUWALHATI SA ANAK; PAPURI SA INA!
In Homily in Tagalog, Pagsilang ng Panginoon, Panahon ng Pasko, Taon K, Uncategorized on Disyembre 31, 2015 at 10:07[The Greek letters above the image are abbreviations of the words Meter Theou, which means Mother of God]
[TINAPAY NG SALITA NG DIYOS]
Maria, Ina ng Diyos
Enero 1, 2016
LUWALHATI SA ANAK; PAPURI SA INA!
Ipinagdiwang natin ang kapanganakan ng Anak ng Diyos noon isang Linggo. Sa oktabang ito ng Pasko ng Pagsilang, hindi lamang ang Anak ang siya nating itinatanghal. Pati ang nagluwal sa kanya, at naghatid sa Anak ng Diyos sa kaliwanagan ng buhay sa daigdig, ay atin rin binigyang-dangal.
Walang taong hindi nagwiwika nang maganda tungkol sa anak, na hindi rin nagwiwika nang maganda tungkol sa kanyang Ina. Walang sinuman ang nagkakait ng papuri at parangal sa isang Ina ng isang taong nakakitaan ng anumang uri ng kadakilaan.
Kung anong puno ay siyang bunga, ika nga. Walang prutas na nahuhulog nang sobrang layo sa punong-kahoy. Ang anak ay nagbibigay parangal sa kanyang pinagmulan.
Ang pagdiriwang natin sa araw na ito ay pagdiriwang patungkol sa luwalhati at kadakilaan ng Diyos na nagpakumbaba at naging tao sa pagsilang ni Kristong pangakong Mesias. Sa pagkilala natin sa kanyang Ina, hindi natin ninanakawan ng luwalhati at papuri ang Diyos na siya mismong nagpasya na isilang ang kanyang bugtong na Anak sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng isang babaeng nagngangalang Maria.
Hindi po ito idolatriya. Hindi rin ito pagsamba sa diyus-diyosan. Hindi ito isang kalapastanganan sa Diyos na tanging karapat-dapat luwalhatiin at sambahin.
Pero, ito nga mismo ang natatanging papel na ginampanan ng Mahal na Birhen. Nakipagtulungan siya sa Diyos na nagpasyang isilang ang Kanyang Anak sa pamamagitan ng isang babae.
At sa pagpapasyang ito, sa pamamagitan ng milagro ng encarnacion o pagkakatawang-tao ng Diyos, ay tinatawag nating Anak ng Diyos si Jesus, bilang ikalawang Persona ng Banal na Santatlo, at anak rin ni Maria bilang taong totoo at Diyos namang totoo.
Ang Pista ni Maria, Ina ng Diyos ay pista ng Diyos. Sa kanya ang luwalhati. Sa kanya lamang ang pagsamba. Sa kanya ang lubos na pasasalamat ng madla.
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo!
Papuri kay Maria, Ina ni Kristo, taong totoo at Diyos na totoo.
Papuri sa kanya na pumayag maging Ina ng Diyos sa katauhan at pagka-Diyos ni Kristong ating Panginoon at Manunubos!