frchito

Posts Tagged ‘Pentekostes’

HALINA, O ESPIRITU SANTO!

In LIngguhang Pagninilay, Tagalog Homily, Taon K on Mayo 12, 2016 at 15:30

LINGGO NG PENTEKOSTES
MAYO 15, 2016

Mga Pagbasa: Gawa 2:1-11 / 1 Cor 12:3-7, 12-13 / Juan 20:19-23

IBAÕT IBA, NGUNIÕT IISA!

Tapos na ang mahabang paghihintay ng bayan. Nagwika na ang higit na nakararami.
BagamaÕt ang nagwagi sa halalan ay maaring hindi siyang pinili ng higit na
nakararaming Pinoy sa buong kapuluan, hindi maipagkakailang ang mga nagwagi
ang siyang hinirang ng lamang na numero ng mga bumoto at nagpahayag ng
kanilang damdamin. IbaÕt iba ang pinili ng balana. Sa dami ng mga kumandidato sa
pagkasenador lamang , ang mga lumutang na mga pangalan ay silang mga datihan
na at luma Ð mga pangalang naka-ukit na yata sa isipan ng mga mamboboto.

Hindi ko maipagkakailang hindi ako masaya sa resulta sa maraming kadahilanan.
Hindi ko rin maipagkakailang nasusot ako sa takbo ng mga pangyayari, ngayon, at sa
iba pang nagdaang mga eleksyon. NguniÕt dapat ko ring sabihing masaya ako
sapagkaÕt kahit man lamang ngayong taong ito, ang tunay na kalooban ng mga
mamboboto ang siyang naghari, at hindi ang malawakang dagdag-bawas!

May isang ibang uri ng hanging umiihip sa dako natin ngayon!

Hanging umiihip É ito ang isa sa malinaw na larawan sa pista ng pentekostes! Sa
pagbaba ng Espiritu Santo, ihip ng hangin at dilang apoy, at dagundong ang
natambad sa paningin natin. Ito ang kapangyarihang galing sa itaas na siya nating
pinagyayaman at ginugunita sa araw na ito.

Sa demokrasya, kapangyarihan mula sa ibaba ang naghahari Ð ang kapangyarihan
ng mamboboto, ang kapangyarihan ng taong-bayan. Sa Inang Simbahan,
kapangyarihan mula sa itaas ang siyang naghahari, ang siya nating pinaiiral.

At dito papasok ang mga samut-sari nating mga suliranin sa lupang ibabaw. Sa
mundong ito, na lupang bayan nating kahapis-hapis, puno ng pagkakaiba ang
nakikita natin, puno ng pagtatangi at pagkakahiwa-hiwalay. Naroon ang maka LP at
maka NP É naruon din ang mga balimbing na hindi mo malaman kung ano talaga
ang partido nila É naroon ang mga taong sala sa init at sala sa lamig. Narito rin
tayong mga salawahan at mga hunyango, na kung minsan ay maka-Diyos at malimit
ay makamundo at makasarili.

Ito ang larangang iniikutan natin lahat Ð ang mundong nababalot ng kultura ng
kasalanan, kultura ng kayabangan, pag-iimbot, at pagkamakasarili. Nandyan ang
lahat ng uri ng pagkakahati-hati sa ibaÕt ibang mga grupo o pulotong, ang kawalan
ng kaisahan, ang kawalan ng pagsasamahan sa ilalim ng iisang pamunuan. BagamaÕt
nanalo ang mga nanalo, alam nating hindi pa man nagsisimula sila sa kanilang
panunungkulan, ay marami nang bumabatikos sa kanila.

Ang bayan natin, tulad ng buong simbahan, tulad ng lahat ng mga sumasampalataya
kay Jesus, ay nababalot ng pagkakahiwa-hiwalay at pagkakahati-hati.

Ano ba kaya ang kailangan natin upang magkaniig at magkaisa?

Kailangan natin ng mga dilang apoy na bababa rin sa atin upang tupukin ang lahat
ng hidwaan sa bayan natin. Kailangan natin ang Espiritu Santo. At sa dahilang sa
araw na ito ay ginugunita natin ang kanyang pagbaba, minarapat kong paalalahanan
ang lahat na sapagkaÕt dumating na Siya at bumaba, ang tanging dapat natin gawin
ay ang tanggapin siya nang buo ang loob, at walang pasubali, walang pagtanggi, at
may ganap na pagtanggap.

Kailangan natin ng malakas na hangin. Sa panahong ito kung kailan sinusunog tayo
ng El Nino, minarapat ko ring ipaalaala sa ating lahat, na higit pa sa El Nino ang init
ng ating mga pagtutungayaw at pag-aalipusta sa isaÕt isa. Kaisahan ang dulot ng ihip
ng hangin É hindi lamang kaisahan kundi katapangan. Ang mga nahihintakutang
mga disipulo ay nangagsipaglabasan sa kanilang pinagtataguan upang mangaral,
magpahayag, at mamuno sa mga taong lupasay sa takot at pangamba.

Sari-saring hangin ang umiihip sa buhay natin bilang bayan. Nandyan ang ihip ng
paghihiganti É ang paghahanap na magbayad ang mga kinamumuhiang kalaban at
katunggali sa politika. Nandyan ang ihip ng hangin ng kayabangan ng mga taong
naihalal lamang ay Òfeeling greatÓ na, at Òfeeling powerfulÓ na. Nandyan ang ihip ng
hangin ng mga hambog at bulaan na ang pangako sa bayan ay hanggang sukdulan ng
langit, nguniÕt wala namang laman kundi hangin É parang ampaw na walang bigat,
walang dating, walang laman!

Maraming nakapinid sa buhay natin ngayon É hindi lamang pinto na nakakandado.
Nakapinid ang mga mata at isipan sa maaaring mabago, maaaring mapahusay at
mapabuti. Kay raming mga kontrabida sa poll automation. Kay raming mga propeta
ng kapariwaraan. Nang magtagumpay, masaya ang lahat. Kay raming mga propeta
na, hindi pa man nagsisimula ang bagong administrasyon, ay puro kabulukan na ang
kanilang awit. Sala-salabat na ang kanilang mga dila sa pagbatikos sa problemang
hindi pa nangyayari.

Sa araw na ito, lakas mula sa itaas ang dumarating. Hindi mga survey at mga
mapanlasong mga pluma at papel at periodiko. ÒSumainyo ang kapayapaan!Ó Ito ang
sabi ng Panginoong muling nabuhay at umakyat sa kanan ng Ama. Ito ang pangako
at tagumpay na kaloob ng Panginoong nagkaloob pa nang higit pa É ang pagdatal at
pagbaba ng Espiritu Santo.

Halina, O Espiritu Santo! Liwanagan kaming lahat É puspusin kaming lahat ng iyong
lakas at biyaya. Sunugin ang mga peklat ng lipunan naming hindi na yata
makahulagpos sa lahat ng uri ng katiwalian. Hipan nang malakas ang mga balakid sa
buhay namin na siyang hadlang sa aming pag-unlad na ganap. Patungan kami ng
dagundong ng kulot na maggigising sa aming pagka-idlip sa paggawa ng mabuti.
Pukawin ang mga isipan namin upang, tulad ng mga apostol, kami ay
mangagsipaglabasan, at mangaral sa ngalan mo, at sa Iyong kapangyarihan. IbaÕt iba
ang aming mga ibinoto. IbaÕt iba ang mga sinuportahan namin. IbaÕt iba ang mga
paniniwala namin.

SubaliÕt IISA ka, O Diyos! Iisa ang iyong kaloobÉ Iisa ang Espiritung sa amin ay
lumukob. Halina, O Espiritung banal. Lukuban kaming ganap upang mapanuto at
upang makatunghay ng isang bagong bukang liwayway ng ganap na pagbabago at
buhay ayon sa kaloob mong alay!

Pagpalain Mo kaming iyong bayan, dine sa lupang bayang kahapis-hapis, tungo sa
langit na tunay naming bayan. Amen!

Advertisement

LAGABLAB AT LAKAS MULA SA ITAAS

In Homily in Tagalog, Taon A on Hunyo 9, 2011 at 09:34

Linggo ng Pentekostes
Junio 12, 2011

Linggo ng Pentekostes
Junio 12, 2011

Mga Pagbasa: Gw 2:1-11 / 1 Cor 12:3-7.12-13 / Jn 20:19-23

Nasabi ko na ito at muli kong sinasabi minsan pa. Mahirap ngayon ang manindigan bilang isang katoliko. Sa dami ng mga pagbabatikos na naririnig natin galing sa mga nagsasabing sila raw ay katoliko, mahirap tumayo, mahirap manindigan. Mas madali, antemano, ang manira kaysa gumawa at bumuo. Mas madali ang pumula … laging higit na madali ang manisi, kaysa sa kumilos at magtayo ng anumang bagay.

Hindi ko maubos maisip ang kinatatayuan ng maliit na pulutong ng mga disipulo noong si Jesus ay namatay sa krus. Malamang na ang pagka-akala nila ay mabubuwag na nang tuluyan ang sinimulang kilusan ng kanilang Guro. Siguro’y sumagi sa kanilang isipan na iyon na ang huli nilang makikita sa kanilang maliit na grupo, tuladng dalawang disipulong papauwi na sa Emmaus, dala ng panghihinawa sa mga bagay na malungkot na naganap sa kanilang guro at Panginoon.

Tayo man, lahat tayo, ay sinasagian din pag minsan ng panghihinawa. Mahigit 30 taon na ako bilang edukador at tagapagturo. Sa dami ng taong nagdaan, marami akong nakikitang pagbulusok ng maraming bagay: sa antas ng edukasyon, sa dami ng mga batang dapat turuan, at sa paunti nang paunting mga silid-aralan na puedeng paglagyan sa kanila. Mayaman ang mga heneral at mga politico, nguni’t laging salat sa budget ang dapat lagyan ng budget.

Hindi ko pa rin maubos na maisip na may mga gobernador at mayor sa ating bayan na sa loob ng paulit-ulit na panunugkulan ay nakapagpapagawa ng tatlo-tatlo o higit pang magagarang bahay saanman sa Pilipinas.

Nguni’t ang mga taong may pasya na kung ano ang simbahan ay mahusay magbaligtad ng usapin… mahusay magpatalbog ng dapat siyasatin. Simbahan pa raw, anila, ang mayaman. Kung susundan natin ang kanilang palpak na pag-iisip, pati ang PLDT ay mayaman … ang Globe, ang Smart. Maraming solid assets, maraming mga gusali, maraming mga gamit … Kung susundan natin ang kanilang patakaran, dapat din sanang ipagbili ng mga ito, ng UP, ng lahat ng eskwela ng gobyerno ang mga “assets” at ipamudmod sa mahihirap. Ngunit wala silang binabanggit sa mga kawanggawang kung hindi tinutuunan ng pansin ng simbahan ay maraming tao ang mapapariwara. Hindi nila sinasabi na mahigit sa kalahati ng mga hospital at klinika na nag-aalaga sa mga AIDS patients ay patakbo ng Simbahan. Hindi rin nila sinasabi na ang mga orphanages at street children centers karamihan ay patakbo rin ng Simbahan. Yun nga lang, mahirap makipagtalo sa mga taong antemano ay nagpasya na kung ano ang tama para sa kanila.

Nguni’t ano ba ang kinalaman ng lahat ng ito sa kapistahan natin ngayon? Malaki! Una sa lahat, ang binabanggit ng kwento ng mga pagbasa ay tungkol sa apoy at hangin, nag-aalab, naglalagablab. Ito ang larawang iniwan sa ating kaisipan at guni-guni ng mga pagbasa – ang pagbaba at pagbubuhos ng Espiritu Santo sa maliit na pulutong ng mga mananampalataya.

Ang Pentekostes, na ang kahulugan ay ika-50 araw matapos ang muling pagkabuhay, ay walang iba kundi ito – ang kaloob na lakas, ang kaloob na kapangyarihan mula sa itaas, dulot ng Espiritu Santong kaloob ng Ama at ng Anak, ang kaganapan ng pagpapahayag ng Diyos bilang Banal na Santatlo.

Nakapanghihinawa kapag kabi-kabila ang pagbabatikos ng mga tao laban sa turo ng Simbahan. Nakapanlulumong isipin na marami sa mga bumabatikos ay galing mismo sa loob ng minamahal nating Santa Iglesya – mga taong ang kaisahan sa pananampalataya ay hindi bumabagtas at humihigit sa binyag lamang. Masakit man isipin, marami sa mga katoliko ay mga kristiyanong KBL, kristiano lamang sa Kasal, sa Binyag, at sa Libing!

Sa aming maliit na bayan, ang sagisag nito ay ang malimit mangyari tuwing Linggo … maraming nagsisimba raw, ngunit, sa katunayan ay nakatayo lamang sa ilalim ng puno ng balite, sa plaza, sa tapat ng simbahan. Simbang akasya … sa loob man ng simbahan nagmula ay nauuwi sa ilalim ng puno sa oras ng sermon upang manigarilyo o makipagkwentuhan sa mga kabarkada.

Masakit man isipin, malinaw na marami sa atin ay mabababaw lamang ang kaalaman tungkol sa pananampalataya, kung kaya’t talong-talo ng mga taga TV at radio, na mababaw rin ang kaalaman sa kanilang pananampalataya.

Panalangin nating lahat ngayon na patuloy sanang makapagbigay lakas at kapangyarihan ang Espiritu ng kabanalan, ang Espiritu Santo na ipinagkaloob upang tayo ay magising, magpagal, at magsikap upang ang kaligtasang kaloob ng Diyos kay Kristo ay maging makatotohanan sa ating lahat.

Halina Espiritung Banal, kami ay kasihan at tulungan!