Araw ng mga Kaluluwa
Nobyembre 2, 2008
Tayong mga Pinoy ay bihasa sa pag-alalay sa mga nangangailangan. Dahil sa tayo ay nasa konteksto ng isang mahirap na bansa, ang pagtabang, pagtulong, o pag-alalay sa kaninumang may matinding pangangailangan ay isa sa pinakamagandang kaugaliang Pilipinong taglay pa ng marami.
Maging sa larangan ng mga buhay at sa larangan ng mga namatay o yumao, itong pag-alalay na ito ay hindi maikapagkakaila. Iyan ang dahilan kung bakit tuwing undas (undras sa amin sa Cavite), abalang-abala ang lahat, at balisang-balisa sa paghahanda, paglilinis, at pananatili sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na nauna na sa kanila. Taon-taon, ang puntod ay nakakatanggap ng “extreme makeover” – ng paglilinis at pagpipinta sa maraming pagkakataon.
Nguni’t sa diwa ng pananampalatayang Kristiyano, ang pag-alalay na ito ay may higit pang malalim na kahulugan. Ito ang diwa ng pag-aalay, ng pagkakaloob ng mga panalanging patungkol sa mga kaluluwa ng mga yumao. Bukod sa mga bulaklak na alay sa puntod, marami sa atin ang nag-aalay ng mga pamisa, at ng iba pang mga panalangin para sa kanilang ikaluluwalhati.
Ang lahat ng ito ay naghahatid sa atin sa isang higit na malawak na pagninilay tungkol sa kamatayan. Lahat tayo ay may angking takot sa pagkamatay. Marami sa atin ang sinasagian ng pangamba o takot kapag napag-uusapan ang pagkamatay. Maraming mga kultura sa ibang bansa, tulad ng America, na dahil sa sobrang pagpapahalaga sa pagkabata ay nakukublihan ang katotohanang ang buhay ay may wakas o hangganan. Ginagawa ng mga kulturang ito ang lahat upang itago ang kapaitan ng kamatayan.
Sa araw na ito, ang katotohanang ito ay hindi itinatago, bagkus, ipinagdiriwang. Ito ang kahulugan ng liturhiya – pagdiriwang, paggunita, at paghawak sa pangako ng hinaharap ng buhay ng tao. Ito ang maliwanag na sinasaad sa prepasyo ng patay. Sa pananampalatayang Kristiano, ang buhay ay hindi nagwawakas, kundi nagbabagong anyo lamang. Ang pagkamatay ay hindi siyang wakas ng buhay ng tao kundi daan patungo sa tunay na buhay.
Samakatuwid, ang kamatayan, ayon sa kristianong pagninilay, ay puno ng pangako, puno ng pag-asa. Kung gayon, ang mata ng pananampalatayang kristiyano ay iba ang nakikita sa karanasang makatao ng kamatayan.
Iyan marahil ang nasa likod ng kakaiba nating kasayahan sa araw ng mga patay. Puno ang mga sementeryo kahapon. Puno rin ng tila malinaw na pagdiriwang ang maraming tao. Halos piyesta ang dating sa maraming lugar sa buong bansa.
Nguni’t hindi ito lubos na kristiano hangga’t hindi natin naaabot ang diwa at kabuuan ng lahat ng pagsasayang ito. Sa pagdiriwang, sa paggunita sa mga yumao, ang ating pag-alalay, at pag-aalay ay dapat mauwi sa rurok ng ating pagninilay – tungkol sa katotohanang ang hantungan ng buhay ng tao ay walang iba kundi ang Diyos. Siya ang nagkaloob ng buhay. Siya rin ang bumawi sa pahiram na buhay na ito. At Siya rin ang nagkakaloob sa atin ng pangako at katuparan ng buhay na walang hanggan.
Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng mga nangamatay nating mga kamag-anak at kapanalig!
..sobrang nakakatulong po ito! thanks………dahil dito nakakuha ako ng maraming idea! (nakopya,,hihihihi)..=]
tnx po nakatulong to sa akin
sobra-sobra po ang naitulong nito s homework ko
maraming salamat po………..
maraming salamat po dahil dito nakagaa po ako ng project.
thnks very much,,,. may idea na ako sa sulating formal koh,,,,,heheheheh
maraming maraming salamat po dito sa information na binigay niyo tungkol sa kaugaliang ginawa tuwing araw ng mga patay.. iyon po kasi yung title ng formal theme namin sa filipino… ATE KIM!! PAREHAS TAYO!!.. KAHIT HINDI PO TAYO MAGKAKILALA.. ALAM KO PONG MAG KAKAKILALA TAYO SOMEDAY!!.. 🙂
what about yung mga kakanin na iniaalay natin sa mga yumao nating mga mahal sa buhay; anu-ano ang mga yun?
iyan ay nakuha natin sa mga Chino, na hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano. Pero sapagka’t nakagawian, naging parang normal sa maraming tao.
salamat at nakakuha ako ng kopya para sa ass. hehe…