Ika-6 na Araw ng Simbang Gabi / Ika-apat na Linggo ng Adbiyento
Disyembre 21, 2014
WALA NANG GAGAMBALA; WALA NANG AALIPIN!
Dumarating ang pagkakataong ginagambala rin ang ating konsyensiya. Matapos gawin ang isang bagay, mayroon tayong kakayahang magbulay at mag-isip-isip kung tama ba ang ating ginawa. Maging si David ay ginambala ng kanyang budhi. Hari na siya noon, at nakita niyang ang kanyang bahay ay magara, samantalang ang tirahan ng kaban ng tipan – ang mga bato kung saan nakaukit ang sampung utos – ay nasa isang tolda lamang.
Nagbalak siyang pagandahin ang tahanan ng Panginoon.
Pero iba ang balak ng Diyos. Sa halip na si David ang magpaganda ng bahay para sa tipan, ang Diyos ang nagbalak nang higit pa, para sa kanyang pinakamamahal na bayan.
Kung minsan napakadamot natin sa Diyos. Nagbibilang tayo, nagkukwenta, nagtitipid, nagtutuos. Isang oras lamang tuwing Linggo, hindi pa natin magawa, pero oras-oras ang binibilang ng marami sa harapan ng computer, nagfefesbuk lamang. Subali’t kung gaano tayo katipid sa pagkakaloob ng Diyos, ganoon naman karangya ang balakin niya para sa atin.
Tatapatin ko kayo. Sa kabila ng napakaraming problema ng bayang Pilipino, iisa at iisa lamang ang hantungan ng lahat. Mayaman at mahirap, magaling o mapurol ang isipan, maganda, guapo o hindi masyadong kaaya-aya ang mukha natin, iisa at iisa ang panawagan para sa atin – ang tumira sa kanyang tahanan magpakailanman – sa langit na tunay nating bayan!
Marami sa atin ang galit sa mga presong mayayaman sa Bilibid. Sino sa atin ang nakapaliligo sa Jacuzzi sa araw-araw na ginawa ng Diyos? Sino sa aking mga tagabasa ang nakakulong na’t lahat ay patuloy na kumikita ng limpak-limpak na salapi sa bawa’t araw na ginawa ng Diyos? Sino sa atin ang nakondenahan na dahil sa krimen, nguni’t patuloy na gumagawa ng dagdag pang krimen at pahirap sa mga walang muang na kabataan sa pamamagitan ng masamang droga, sa ilalim ng mata ng mga tagapagtanggol ng bayan?
Gusto nating lahat ng karangyaan, ng kaginhawahan, ng kaunting rangya sa buhay. Nguni’t ang tanong ko ay ito: binabagabag pa kaya sila ng kanilang budhi sa kanilang patuloy na pagnanakaw ng kaban ng bayan, o patuloy na paggawa ng droga kahit nasa bilangguan, at namamahay sa tahanang konting-konti lamang sa aking mga tagabasa ang makapangangarap man lamang magkaroon?
Saludo ako kay David. Sa kabila ng kanyang pagkahari ay naisip pa rin niya ang kapakanan ng Diyos. Ninais niyang gumawa ng magarang tahanan para sa Diyos.
Nguni’t ito naman ang magandang balita para sa araw na ito … Ang Diyos na ang may gusto … Ang Diyos na ang may balak … “Gagawin kong dakila ang iyong pangalan … Bibigyan ko ang Israel ng kanyang lupa at doon ko patitirahin … Magiging payapa ka sapagka’t wala nang gagambala sa iyo.”
Lumuluha ako habang sinusulat ito … At hindi ko ito ikinahihiya. Sapagka’t ang aking luha ay luha ng pag-asa … na ang bayan natin na kay tagal nang naghihintay ng mga kasagutan ay patuloy na pinagkakalooban ng katugunan, kahit ang kanyang tugon ay tila wala pang katiyakan, dito at ngayon.
Subali’t ito ang kahulugan ng pag-asa – ang paniniwala sa bagay na hindi pa natin nakikita, nguni’t sa mata ng pananampalataya, tayo ay nakasisiguro na – tulad ng pagkasiguro ni David, na binagabag ng kanyang budhi.
Narito ang puede nating gawin … ang bigyang-puwang ang budhi o konsiyensiya upang makaya pang magbulay, magnilay, at magpasya nang tama … hindi lamang nang kung ano ang higit na kikitain, higit na luho, at higit na panlalamang sa kapwa.
Hinding hindi ko makakalimutan ang isang pangitain sa balita matapos ang isang malakas na bagyo na dumaan sa Pilipinas. Naghatid ng tulong ang mga tao. Pero napakarami ang naghihintay … napakarami ang nakapila. Kasama sa mahabang pilang ito ang isang batang babae … mag-isa … nagtiis sa ilalim ng araw. Nguni’t nang dumating siya sa mga nagbibigay ay tanging isang lamog na lamog na saging ang naibigay sa kanya.
Masaya niyang tinanggap ang saging, at kagyat’ tumakbo hanap ang sanggol na kapatid. Hindi nakuhang pigilin ang luha ng cameraman. Sinundang ang bata, na kinuha ang kapatid, kinalong, at dahan-dahang binalatan ang mabubulok nang saging … hinati at pinagsaluhan ng magkapatid.
Wala nang hihigit pang larawan ng pag-asa liban dito. Walang hihigit pang pagsasalarawan ng kung ano ang ibig sabihin ng pagtitiis at kagalakan sa anumang ipinagkaloob ng tadhana.
Nagpupuyos ang damdamin ko sa tuwing makikita ko ang magagarang bahay ng mga criminal na sa kabila ng kanilang pagpapahirap sa buhay ng marami, ay patuloy na nagpapasasa. Nagpupuyos ang puso ko tuwing maiisip na ang mga inihalal sa pwesto ay puro pagpapasasa sa sarili ang kanilang iniisip at ginagawa.
At sa mga sandaling ito, ang aking isipan ay nakatuon kay David, na binagabag ng sariling budhi, sapagka’t ang pagmamahal niya sa sarili ay hindi lubusang nagpawala sa pagtingin sa Diyos.
Hayaan ninyo muna ako lumuha pa nang minsan pa … Ang aking pinanghahawakan ay simple lamang – ang pangako ng Diyos na batid ko sa puso kong mangyayari, kundi man ngayon, ay di magluluwat, di magtatagal – darating at darating: “Magiging matatag ang iyong sambahayan, ang iyong kaharia’y hindi mawawaglit sa aking paningin at mananatili ang iyong trono.”
Wala nang gagambala; wala nang aalipin! Masama ba ang umasa?
Psalm 72 (73)
Why should the just suffer?
How good God is to Israel, to those who are pure of heart.
How good God is to the upright,
to those who are pure of heart!
But as for me, my feet nearly stumbled,
my steps were on the point of going astray,
as I envied the boasters and sinners,
envied their comfort and peace.
For them there are no burdens,
their bellies are full and sleek.
They do not labour, like ordinary men;
they do not suffer, like mortals.
They wear their pride like a necklace,
their violence covers them like a robe.
Wickedness oozes from their very being,
the thoughts of their hearts break forth:
they deride, they utter abominations,
and from their heights they proclaim injustice.
They have set their mouth in the heavens,
and their tongue traverses the earth.
Thus they sit in their lofty positions,
and the flood-waters cannot reach them.
They ask, “How can God know?
Does the Most High have any understanding?”
Behold, then, the wicked, always prosperous:
their riches growing for ever.
Glory be to the Father and to the Son and to the Holy Spirit,
as it was in the beginning, is now, and ever shall be,
world without end.
Amen.