frchito

PAGHAMON AT PANAWAGAN SA PAGLILINGKOD

In Panahon ng Pasko, Taon K, Uncategorized on Enero 9, 2016 at 14:53

BaptismOfChristPietroPeruginocat13a[TINAPAY NG SALITA NG DIYOS]

Binyag ng Panginoon

Enero 10, 2016

PAGHAMON AT PANAWAGAN SA PAGLILINGKOD

Tapos na ang Pasko mamayang gabi matapos ang Vesperas – ang panalangin pang takip-silim ng Simbahan. Nagwawakas ngayon ang Panahon ng Pasko, pero nagsisimula at nagpapatuloy ang diwa ng Kapaskuhan. Isinilang ang Mesiyas, at ang tagapagligtas ay may tungkuling dapat gampanan.

Malinaw ang pangaral ni Isaias … ang sanggol na isinilang ay “ang lingcod na itinaas, pinili at kinalugdan.” Malinaw na ayon sa ebanghelyo, ang kinalugdan ng Diyos Ama, ay walang iba kundi ang siyang bininyagan ni Juan Bautista, at ipinakilala ng Diyos sa madla at sa sanlibutan.

Kasabihan natin sa Tagalog na “hindi araw-araw ay Pasko.” Tumpak. Ibig sabihin nito ay matapos ang Pasko at Pista, ay mayroon tayong dapat harapin at tuparin. Hindi araw-araw ay pagdiriwang. Hindi araw-araw ay pasarap at bakasyon. Mayroong naghihintay na gawain at tungkulin.

Ito mismo ang diwa ng pagwawakas ng Panahon ng Kapaskuhan – diwang siya ring ipinakita sa buhay ni Kristong Panginoon.

Medyo may elemento ng drama ang kaniyang binyag. Tulad ng kaniyang pagsilang, napalibutan rin ng nakabibighaning elemento ang salaysay ng kanyang pagsisimula ng kaniyang misyon at ministeryo (tungkulin at paglilingkod).

At ito ang kahulugan nito sa buhay natin …

Hindi sapat na tayo ay sumama sa prusisyon … Hindi sapat na nahipo natin ang lubid ng Itim na Nazareno. Hindi sapat na tayo ay nagsimbang-gabi, o dumalo sa Misa ng Pasko, at ng Bagong Taon.

Hindi sapat na tayo ay nagpabinyag. Hindi sapat na tayo ay kinunan ng larawan noong First Communion. Hindi sapat na tayo ay nag-aral sa Catholic school.

Matapos ang binyag, matapos ang pasko, pagkalipas ng pista, ay mayroon tayong dapat harapin, dapat tupdin.

Nang si Kristo ay binyagan, ipinakilala siya ng Kaniyang Ama: “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”

Tayo ba kaya ay kalugud-lugod sa Diyos dahil lamang natanganan natin ang lubid kahapon? Tayo baga ay kaaya-aya sa mata ng Diyos dahil tayo ay nagsimba noong araw ng Pasko, kahit hindi naman tayo nakinig at nakipag-dasal? Tayo ba ay kalulugdan kaya ng Diyos dahil magara ang suot, masarap ang handa, at marami tayong napaskuhan?

Drama man ito o palabas, malinaw na ang naganap sa araw ng Binyag ng Panginoon ay isang paghamon – isang panawagan – at isang pasinaya sa higit pa!

Ito ay paghamon sa misyon, sa ministeryo o paglilingkod … Ito ay panawagan sa pagiging tunay na kawal ni Kristo at anak ng Diyos.

Kalugud-lugod ba kaya tayo sa Kanya sa araw na ito?

Advertisement

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: